Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal

Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal

Ang komunikasyong teknikal ay isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon.

Karaniwan na itong naihahalintulad sa iba pang uri ng mga sulatin bagaman ito ay may tiyak na awdiyens, layunin, estilo, sitwasyon, nilalaman, at gamit na siyang pangunahing elemento ng mga komunikasyong teknikal. Laging isaisip na kaiba ito sa mga akademikong sulatin na karaniwang isinasagawa sa klase gaya ng sanaysay, pananaliksik, analitikong papel, at iba pa. Iba rin ang komunikasyong teknikal sa malikahaing pagsulat dahil ang huli ay may dulog na personal at maaring hindi gaanong nagtataglay ng katotohanan o facts.

Ang komunikasyong teknikal ay maituturing ding applied na uri ng komunikasyong na ang mensahe ay nakalaan lamang para sa inaasahang tagatanggap nito na nangangailangan ng agarang pagtugon o paglunat sa isang sulirani.

May bagong mobile phone ka ba? Binasa mo ba ang user’s manual nito? Ikaw ba ay conscious sa iyong pigura? Siguradong binasa mo ang label ng mga pagkain o multi vitamins na binili mo kung ang mga ito ay may malaking benepisyo sa iyong kalusugan, O baka naman ay may bago kayong pinakaiingatan appliances sa bahay? Masusi mo bang pinag-aralan ang mga manwal nito? Ang lahat ng ito, gaya ng label, manwal, at mga gabay sa paggamit ay mga kongkretong halimbawa ng komunikasyong teknikal. Tiyak kasi ang nais patunguhan ng mensahe nito na ang layunin ay matutuhan ang proseso ng paggamit o pagkumpuni (troubleshooting) ng isang bagay.

 

KOMUNIKASYONG TEKNIKAL

KASAYSAYAN NG KOMINIKASYONNG TEKNIKAL 

kasindata na ng daidig ang pangangailangan ng mga tao sa mabisang komunikasyon. Sa katunayan, ang mga guro, pilosopo, at mga eskolar ay matagal nang tinutugunan ang mga hadlang tungo sa mabisang komunikasyon . Gaya na lamang sa pag-aaral ni Aristotle ng Retorika, mahusay niyang pinag-iba ang panghihikayat sa argumento. Aniya, ang panghihikayat ay nakatuon sa kaparaanan kung paano maiaangat ang interes ng mambabasa at tagapakinig, samantalang argumento naman ay ang wastong pagsasalansan ng mga mapanghikayat na ideya. Sa pananaw na ito mababakas ang pagsilang ng komunikasyong teknikal lalo na’t pinahahalagahan dito ang proseso o pag-eestraktura ng isang mensahe. Sa huli, ang pinakamainam na maisaalang-alang ay ang paglikha ng mabisang mensahe.

Bago pa man tayo tuluyang lumayag, alam mo ba ang kaibahan ng komunikasyong teknikal sa sulating teknikal? Sa paliwanag nina Martinez et al.(2011), ang komunikasyong teknikal ay tiyak na anyo na nakapokus sa pasulat at pasalitang diskurso. Ang sulating teknikal naman ay isa lamang sa maraming anyo ng komunikasyong teknikal na higit na nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula sa isang disiplina. Ang mahusay na komunikasyong teknikal ay nararapat na tiyak, malinaw, at maikli. Mahalaga ring maisaalang-alang ang awdiyens, layunin, at konteksto tungo sa mabisang komunikasyon.

Sa Kasalukuyan, sinasaklaw rin ng komunikasyong teknikal ang paggamit ng video, audio, slides, at iba pang uri ng multimedia na kagamitan. Maituturing na susi ng tagumpay sa isang tao kung siya ay nagtataglay ng kahusayan sa komunikasyon, ito man ay sa pasalita o pasulat na anyo. Ang kasanayang ito ang makatutulong upang maipabatid at maipaunawa niya sa daigdig ang kaniyang kaisipan at kaalaman ano pa man ang kaniyang kaisipan at kaalaman ano pa man ang kaniyang propesyon.

Sa katunayan, Isa ito sa mga hinahanap na katangian ng mga kompanya sa pagkuha ng empleyado. Kung kaya, ikaw man ay abogado, akawntant, doktor, guro, inhenyero, politiko, pulis, siyentista, negosyante, o eksperto sa Information Technology, ang kasanayan sa komunokasyong teknikal ay isang mahigpit na pangangailangan. Ito ay hindi lamang nakatuon sa pasalitang kasanayan, kundi lalo’t higit sa pasulat na korespondensiya gaya ng liham, memorandum, iba’t ibang uri ng ulat, mga presentasyon, publisidad, promosyon, at marami pang iba.

Alam mo bang dalawang libong taon na ang nakalilipas nang pormal na pinasimulan ang propesyonalisasyon ng pagsulat? Ito ay tinugunan at nilunasan ng mga naunang guro at pilosopo gaya nina Plato, Aristotle, at iba pa.

Sa pagpasok ng ikadalawampu’t isang siglo, ang pagsasanib ng Information Technology at pagsulat ang siyang higit na nananaig. Iba’t ibang porma at estilo ang iniluluwal batay sa pangangailangan ng mga kompanya mula sa kanilang mga emleyado. Sa madaling salita, higit ding kinakailangan ang literesi sa iba’t ibang anyo ng teknolohiya tunggo sa pagpapabilis ng mga trabaho sa kasalukuyang panahon.

Natukoy naman sa mga pag-aaral ang komunikasyong teknikal ay nagmula sa mga Sumerian subalit kinilala si Sextus Julius Frotinus bilang isa sa mga awtor nito. Ito ay dahil sumulat sya ng manwal para sa gusali at paraan ng pagpapanatuli nito noong A.D. 91. Samantala, si Pliny the Elder naman na isang administrador at sundalong romano ay naisulat ang The Natural History, isang kalipinan ng mga natural at siyentipikong kaalaman. Isa lamang ito sa maraming dokumentong naisulat niya noong mga panahong pinamamahalaan niya ang iba’t ibang tanggapan sa mga bansang Gaul, Aprika, at Espanya.

Si Reginald Scot sa panahon ng Renaissance ng ingles ay nakabuo ng mga teknikal na manwal para sa paghahalaman na nakatulong sa marami upang malaman ang proseso ng naturang gawain. Lakip din nito ang mga ilustrasyon na mabisang nakatulong sa mga taong gumagamit nito. Nagpatuloy ang halaga ng komunikasyong teknikal hanggang sa ikalawang digmaang pandaigdig dahil nakatulong ito sa mga sundalo na matutuhan ang proseso at pagkakasunod-sunod ng paggamit ng kanilang mga sandata.